Description
Ilang dekada ang lumipas matapos syang ma-Salmonella, gumawa sya ng cookies na kabaligtaran nung binigay sakanya.
Hindi makapal ‘tong The Brainchild. Ayaw nyang daanin sa laki yung creation nya.
Crispy yung gilid pero pagdating mo sa gitna, parang binubulungan ka na namnamin mo yung pagka-chewy nya.
Every bite, hindi mo na alam kung chocolate ba yung nagustuhan mo o yung dough. Naghahalo-halo na kase yung sarap na yumayakap sa bawat sulok ng bibig mo.
May patikim na bitterness ng totoong tsokolate.
May pamilyar na lasa ng mantikilya somewhere.
May alat ng asin nagbabalanse sa mga bagay bagay na hindi mo maintindihan kung paano naging ganon kasarap.
Ang alam mo lang nung nakagat mo yung cookies, for the first time that week, you felt joy.
Parang magic.
Baked to Order
Sinisingit lang nya ang pagbe-bake kapag tinatawag na sya ng bestfriend nyang si Meg, yung oven. Yup. Oven. Ayaw nila parehas ng makalat sa kusina. Kaya tuwing may baking session sila, gusto nilang ipadala agad sa iba. Bagong luto. Minsan mainit-init pa.
Purely hand-made
Wala syang tiwala sa mga machine-machine na yan. Tingin nya mas accurate ang lahat kung kamay nya mismo ang gagawa. Is this pride? Romanticization ng old school baking? O baka nagtitipid lang sa kuryente? Di pa natin alam. Pero ang chichi ng iba, magical hands.
Calibrated Recipe
Simple lang ang mga ginagamit nyang ingredients. Pero kabaligtaran ng simple kapag proseso na ang usapan. Bawat timbang, bawat dami, bawat paghalo ng isa sa isa pa, paulit-ulit pinagplanuhan. Metikuloso.
Takam ka na?
Wait lang.
Intellectual Baker only bakes around 27 boxes per weekend. If you are reading this, stocks are live… pero limited.
Delivery Radius (Metro Manila only)
To keep them fresh, we can only ship to Metro Manila via Lalamove/Grab. Kung nasa malayo ka, kailangan naming i-cancel at i-refund yung order mo.
Shipping Schedule
All cookies are baked fresh on Saturday morning. Riders will be booked between 1:00 PM – 4:00 PM on Saturday. Please ensure someone is home to receive them.
Payment Rules
Since we have limited slots, payment is required within 30 minutes of placing your order.
Select “Direct Transfer” sa checkout.
Send proof of payment sa email. Walang DM sa social media ang Cookies, et al.
Unpaid orders are cancelled after 30 mins. Bawal ang late. Better luck next time.
Storage
Baka hindi mo kailangan. Mauubos mo kase sya or ishe-share mo sa iba. Pero if you have self-control (or madamot ka), place it in an airtight container. Reheat for 10 seconds in the microwave, kung gusto mo nung mainit-init pa.



Reviews
There are no reviews yet.