
Get your first order for 10% off
Pero sali ka muna email list!

Pumasok na sa mundo ni Intellectual Baker.

Ang overcompensating girl boss na nagiging passionate baker tuwing gumagawa ng magical cookies nya.
Kaso, random dates lang sya nagbe-bake.
Walang may alam kung kelan… pero maghihintay sila kase kailangan.
“WALA NGA AKONG ORAS MAG-BAKE BAKE!”

And that’s true. She’s an ambitious woman.
Gusto maging abogado, gusto magnegosyo, gusto maging reyna ng mundo!
Pero di nya alam kung pano.
Ang alam lang nya? Kumuha nang kumuha ng trabaho.
- May isang taon, tatlong beses sya na promote, kaso ang target nya… lima.
- Pag may awards night sa office, she could match Adele sa Grammys pag dating sa dami trophies. At lahat yun nakadisplay sa table nya kahit wala na syang mapagpatungan.
- Kapag may ka-opisinang lito sa trabaho, sya ang pwedeng lapitan. Kaso good luck kung malapitan!
- Pinag-aagawan sya ng iba’t-ibang kumpanya. Pero ayaw nya. Malapit na kase sa bahay yung office nila.
Pero kahit na ganyan sya?
Ang hindi nya alam na alam ng lahat…
Kapag kaharap na nya ang oven…
Nagbabagong anyo sya.
Lumalambot ang matigas na tinapay, napapalitan ng pakpak ng anghel ang kanyang buntot at sungay.
Ang resulta?

The Brainchild.
Yan ang tawag nya sa cookies nya. Na para bang sya ang nakaimbento ng choco-chip cookies.
Pero walang umaalma.
Kase lahat ng nakatikim? Napupuno na lang ng saya.
Hindi ‘to nakakagulat kase kung gano sya ka-bangis sa trabaho…
Ganon din nya ‘to pineperpekto.
