Cookie shop ba to???
Yup.
Ito ang Cookies, et al.

“Et al” kase gusto nyang mag-tunog intellectual at lawyer-ish yung brand nya. Kahit na literal na walang “et al” ang binebenta nya.
(et al = and others)
Mema.
Pero syempre walang may gustong umalma, gusto nila yung cookies nya…
The Brainchild brings joy.
Ang sabi sabi, lahat ng passion at love ni Intellectual Baker, dito napupunta kaya ganon.
And I agree.
Everything she makes is made from love.
Or whatever the hell she calls it.


Wala syang pake sa trends.
Hindi sya kokopya sa maraming flavors. Hindi gagaya sa kung anong binibili ng iba.
Bakit?
Kase hindi naman din nya alam kung anong ginagawa nila. Wala syang oras mag-Bookface at Tiktik at EG (Estegram).
Basta alam lang nya kung anong gusto nyang gawin… at sya ang bahala kung kelan nya yun gagawin.
Maghihintay lang ang mga tao kung kelan pwede mag-order.

Kaya kung gusto mong umorder ng The Brainchild? Aba, dapat alamin mo ang policy na finormulate nya…
The Brainchild Ordering Framework and Protocols
Kailangan mong tandaan na ang nakakabili lang ng The Brainchild ay lahat ng nasa email list nya.
Sila yung mga nakatikim na dati at gusto pa umulit, mga natakam lang sa mga sabi sabi, at mga kaibigan at kamag-anak na gustong humirit ng “Wala bang freebie?”
Ganito ang sistema…
Kapag nasa loob ka na ng email list, makakatanggap ka ng mga emails galing sa mundo nya.
Bawat emails, may mga wild and wacky adventures ng bida(-bidang) si Intellectual Baker.
Posibleng maumay ka, o eventually mawalan ka ng pake. Pero tandaan:
Nasa emails nya ang announcements kung kelan sya magkakaroon ng libreng oras para mag-bake.
Kapag nag-bibigay na sya ng signals tulad ng consecutive deep sighs na may 48-second intervals o kaya pag-irap na halos rumolyo na ang buong mata, ibig sabihin “Pre-Heat Season” na.
Makakakuha ka ng reminder na malapit-lapit na ang “Open Kitchen” days.
Tuwing Open Kitchen days may tatlong araw ka para umorder ng cookies nya.
Alam na nya kung ilan lang ang kaya nya.
Naghihintay na lang sya kung gano karami ang maghihintay sakanya.
Ibig sabihin, paunahanan ang pag-order dito.
Pag naubusan ka ng slot, ang masasabi lang nya…
“🤷”
Pero ang susunod na dun ay ang “BRB Baking” phase.
Dito na sya nagbabagong anyo.
Pagtapos ng tatlong araw, di na sya kukuha ng orders kase maliligaw na sya sa sarili nyang mundo. Apaw-apaw na ligaya at passion ang mailalagay nya sa bawat cookies.
Walang makaka-istorbo… Kahit pa trabaho.
Tapos ang pinakahihintay ng lahat, “The Deliverance.”
Dito na matatanggap ng bawat maswerteng naka-order ang The Brainchild.
Sabi nya, Deliverance ang itatawag nya kase may nagsabi daw na “friend” na nailigtas sya ng cookies nya.
Pero palagay ko, gusto lang nyang pagandahin yung tunog ng “delivery.”
Ganyan ang proseso sa Cookies, et al.
First paid, first saved served.
Kaya hindi lahat ma-e-enjoy ang mundo ni Intellectual Baker.
Kung hindi ka makakahintay, hindi ka nya iintindihin.
Kung kaya mo maghintay?
Eto pa ang mga importanteng detalye…
Delivery Radius: Metro Manila only.
Gusto nya fresh mong makuha ang The Brainchild. Kaya we can only ship within Metro Manila.
Shipping Schedule
All cookies are baked fresh on Saturday morning. Kaya ang shipping ay around 1:00 PM to 4:00 PM ng Saturday.
Payment Rules
Dito tayo magkakatalo-talo. Dahil limited slots, payment is required within 30 minutes of placing your order. Kapag naka-swerte ka ng slot? Bilis-bilisan mo… kailangan bayad agad. And send proof of payment.
If hindi ka umabot….
🤷
Unpaid orders are automatically cancelled.
Kahit na ganyan si Intellectual Baker sabi nya,
“Aba, pano kung maraming naghihintay! Kawawa naman!”
Ang bait diba…
…
…
Umoo ka na lang.
👍
