About

Cookie shop ba to???

Yup.

Ito ang Cookies, et al.

“Et al” kase gusto nyang mag-tunog intellectual at lawyer-ish yung brand nya. Kahit na literal na walang “et al” ang binebenta nya.

(et al = and others)

Mema.

Pero syempre walang may gustong umalma, gusto nila yung cookies nya…

The Brainchild brings joy. 

Ang sabi sabi, lahat ng passion at love ni Intellectual Baker, dito napupunta kaya ganon.

And I agree.

Everything she makes is made from love.

Or whatever the hell she calls it.

Wala syang pake sa trends.

Hindi sya kokopya sa maraming flavors. Hindi gagaya sa kung anong binibili ng iba.

Bakit?

Kase hindi naman din nya alam kung anong ginagawa nila. Wala syang oras mag-Bookface at Tiktik at EG (Estegram).

Basta alam lang nya kung anong gusto nyang gawin… at sya ang bahala kung kelan nya yun gagawin.

Maghihintay lang ang mga tao kung kelan pwede mag-order.

Kaya kung gusto mong umorder ng The Brainchild? Aba, dapat alamin mo ang policy na finormulate nya…

Delivery Radius: Metro Manila only.

Gusto nya fresh mong makuha ang The Brainchild. Kaya we can only ship within Metro Manila.

Shipping Schedule

All cookies are baked fresh on Saturday morning. Kaya ang shipping ay around 1:00 PM to 4:00 PM ng Saturday.

Payment Rules

Dito tayo magkakatalo-talo. Dahil limited slots, payment is required within 30 minutes of placing your order. Kapag naka-swerte ka ng slot? Bilis-bilisan mo… kailangan bayad agad. And send proof of payment.

If hindi ka umabot….

🤷

Unpaid orders are automatically cancelled.

Kahit na ganyan si Intellectual Baker sabi nya,

“Aba, pano kung maraming naghihintay! Kawawa naman!”

Ang bait diba…

Umoo ka na lang.

👍